Early Pregnancy
EARLY PREGNANCY Ang usapin sa maagang pagbubuntis ay kalat na kalat na sa iba’t-ibang parte, hindi lang ng ating bansa, maging ng mundo. Sa ngayon, tayo ay nahaharap sa masaklap na katotohanang, sa napaka-murang edad pa lamang, marami na sa mga batang kababaihan ang mayroon nang sariling anak. Ayon sa pag-aaral, dito sa Pilipinas, sa isinagawang 1995 census, may halos 2 milyong kalalakihan at kulang-kulang na 1 milyong kababaihang may edad 15 hanggang 24 ang sexually active o aktibo na sa pakikipagtalik. Sa katunayan, ayon pa rin sa pananaliksik, 7 percent ng mga kabataang sexally active ay hindi gumagamit ng contraceptives o pang-kontrol para hindi kaagad magbuntis ang babae o magkaanak. Base naman sa report na inilabas ng World Health Organization (WHO), 20 percent ng mga kababaihang Pilipino ...